LPA, maliit pa rin ang tsansang maging bagyo – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Robb Gile, huling namataan ang LPA sa layong 35 kilometers Hilaga Hilagang-Kanluran ng Daet, Camarines Norte bandang 3:00 ng hapon.

Maliit pa rin aniya ang tsansa na maging bagyo sa susunod na 24 oras.

Ani Gile, inaasahang tatawid ng Luzon ang LPA sa susunod na 24 oras.

Dahil dito, posibleng sa Huwebes ng hapon (July 30), ang LPA ay nasa bahagi na ng West Philippine Sea.

Gayunman, magdudulot pa rin aniya ang LPA ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, maging sa Visayas at Zamboanga Peninsula.

Sa magdamag, sinabi ni Gile na asahan ang kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan sa Luzon partikular sa CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Aurora, Camarines Norte at Camarines Sur.

Posible naman aniya ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Zambaonga Peninsula.

Magiging maganda naman ang panahon sa nalalabing parte ng Mindanao maliban na lamang sa isolated thunderstorms sa gabi.

Read more...