BREAKING: Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 85,000 na

Nadagdagan pa nang mahigit 1,800 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (July 29), umabot na sa 85,486 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 56,528 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,874 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nakuha ang mga datos mula sa 83 out of 91 licensed laboratories.

Nasa 16 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,962 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 388 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 26,996 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...