Higit 300 pang COVID-19 cases, napaulat sa Singapore

Mahigit 300 muli ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 334 na kaso hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (July 29).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are three case in the community, of whom two are Singaporeans/Permanent Residents and one is a Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Maliban dito, mayroon ding apat pang imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 51,531 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...