Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 29, umakyat na sa 9,392 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 70 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,265 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,461 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, nasa 666 naman ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,690 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,103 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 705 naman ang kaso sa Americas at 894 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.