COVID-19 cases sa India, pumalo na sa 1.5 milyon

Nasa 48,513 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (July 29), pumalo na sa 1,531,669 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 509,447 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 35,266 ang mga gumaling.

Dahil dito, 988,029 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 34,193 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...