Tatlo pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Baguio City

Nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Sa datos ng City Health Services Office, nagpositibo ang tatlong residente mula sa mga sumusunod na lugar:
– 25-anyos mula sa San Carlos Heights
– 23-anyos na babae mula sa Avelino St., Andres Bonifacio
– 35-anyos kung saan vina-validate pa ang address

Dahil dito, umabot na sa 103 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa Baguio City.

Sa nasabing bilang, 50 ang aktibong kaso.

Nasa 51 naman ang gumaling habang dalawa ang pumanaw bunsod ng pandemya.

Muli namang pinaalalahanan ang publiko na sumunod sa minimum health protocols para maging ligtas laban sa COVID-19.

Read more...