NCR at ilang lalawigan sa Luzon, patuloy na uulanin

Makakaranas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Asahang makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Batangas.

Iiral din ang nasabing lagay ng panahon sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon at Pampanga.

Nagpaalala ang weather bureau sa publiko at Disaster Risk Reduction and Management Office na tutukan ang magiging kondisyon ng panahon.

Read more...