CHED Central Office at ilang Regional Offices sarado sa loob ng dalawang araw

Sarado ngayong araw (July 29) hanggang bukas (July 30) ang central office ng Commission on Higher Education (CHED).

Sarado din sa loob ng dalawang araw ang regional offices ng CHED sa NCR, MIMAROPA at Region IV.

Sa abiso ng CHED ito ay para makapagsagawa ng disinfection at sanitation sa kanilang pasilidad.

Pinayuhan ang mga mayroong concern na makipag-ugnayan sa email address ng central at regional offices ng CHED.

Matatagpuan ito sa https://ched.gov.ph/central-office/ at https://ched.gov.ph/regional-offices/

 

 

Read more...