Sunday Masses sa Baguio City muling sinuspinde

Suspendido muli ang pagdaraos ng Sunday Masses sa Baguio City.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, sa August 2 at August 9 bawal muna ang pagdaraos ng religious activities sa lungsod.

Ito ay habang ipinatutupad ang limited movement sa Baguio.

Hinikayat ni Magalong ang mga residente na dumalo na lamang sa online masses.

Ang Baguio City ay mayroon ngayong 47 na aktibong kaso ng COVID-19.

 

 

 

 

Read more...