Mga bus na maaring sakyan ng mga pasahero ng MRT-3 umakyat na sa 284

Simula ngayong araw ay 284 na bus na ang magseserbisyo sa mga pasahero ng MRT-3.

Ito ayon sa Department of Transportation ay matapos i-absorb ng EDSA Busway System ang 90 pang bus units na dating nasa MRT-3 Bus Augmentation Program

Ang nasabing bilang ay karagdagan sa nauna ng 194 bus na naka deploy sa EDSA Busway service na nagsasakay ng mga pasahero mula Monumento patungong Parañaque Integrated Terminal Exchange at pabalik.

Mula naman sa dating P25 fixed rate sa ngayon ay magkakaroon na ng base fare na P13 sa unang limang kilometro at karagdagang P2 para sa susunod na kilometro.

Sabi ng DOTr, bilang karagdagan sa mga bus stops sa curbside Monumento patungo sa North Avenue, Buendia at PITX, ang EDSA Busway service ay patuloy na magsasakay at magbaba ng pasahero sa mga sumusunod na bus stops malapit sa MRT-3 stations:

NORTHBOUND:
Loading stations:
– Taft Avenue station
– Ayala station

Unloading stations:
– Ayala station
– Guadalupe station
– Ortigas station
– Quezon Avenue station
– North Avenue station

SOUTHBOUND:
Loading stations:
– North Avenue station
– Quezon Avenue station

Unloading stations:
– Ortigas station
– Guadalupe station
– Ayala station
– Taft Avenue station

Pagmamalaki ng ahensya dahil sa EDSA Busway, ang travel time mula Monumento, Caloocan hanggang PITX ay bumaba mula sa dating dalawang oras hanggang tatlong oras ngayon ito ay 45 minutes hanggang 1 hour na lamang.

Read more...