Ang 635 na LSIs ay kabilang sa mga namalagi ng ilang araw sa Rizal Memorial Stadium habang naghihintay ng pag-uwi nila sa lalawigan sa ilalim ng “Hatid Tulong Program” ng gobyerno.
Ngayong umaga ng Miyerkules, July 29 isinakay na sa bus ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga LSI at inihatid sa sa Port Area.
Pagdating sa port area mayroong special passenger vessel na naghihintay at ihahatid naman sila sa Cagayan De Oro City.
Ang 635 na LSIs ay pawang nagnegatibo sa isinagawang rapid antibody testing.
MOST READ
LATEST STORIES