Metro Manila mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin dahil sa LPA

Makararanas pa rin ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan dahil sa Low Pressure Area (LPA).

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:00 ng umaga, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Pampanga.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Quezon, Cavite, Laguna at Batangas.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Ang nararanasang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

Read more...