241 LSIs galing Maynila nakauwi na ng Bohol

Dumating na sa Tagbilaran Port sa Bohol ang 241 na locally stranded individuals.

Lulan sila ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) at BRP Cabra (MRRV-4409) ng Philippine Coast Guard.

Pagdating sa pantalan, nagsagawa ang coast guard at PPA personnel ng disembarkation at health protocols sa mga bagong dating na LSIs.

Matapos maisailalim sa screening ay naiturn-over sila sa kanilang local government units (LGUs).

Sasailalim pa sa mandatory 14-day quarantine ang mga umuwing indibidwal.

 

 

Read more...