Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 1,013

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Lunes, July 27) , nadagdagan ng 49 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 1,013.

Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 4 kaya umabot na ito sa 132.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 1,960 kung saan nakapagtala ng 68 na bagong kaso.

Read more...