Maydolong, Eastern Samar niyanig magnitude 4.1 na lindol


Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 17 kilometers southwest ng bayan ng Maydolong, alas-2:34 madaling araw ng Miyerkules (July 29).

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Palo, Leyte.

May lalim na 32 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...