Isang pamilihan sa Pasig, sarado sa July 29

Inanunsiyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na sarado ang isang pamilihan sa araw ng Miyerkules, July 29.

Ayon sa alkalde, sarado muna ang pamilihan sa Napico sa bahagi ng Barangay Manggahan.

“Para dire-diretso ang pagdaan ng mga nasa Localized ECQ areas papuntang Napico Multipurpose, kung saan gagawin ang swab testing ng 800 na tao. (Targeted po ang testing bukas at walang walk-in!),” paliwanag ni Sotto.

Tiniyak ng alkalde na nakaalerto ang mga peace & order offices para bantayan ang mga dadaanan ng mga sasailalim sa pagsusuri.

Nagpasalamat din si Sotto sa kooperasyon ng mga residente sa lungsod.

Read more...