Suspensyon sa operasyon ng BI Intramuros office, pinalawig

Pinalawig ang pansamantalang suspensyon ng office building ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila.

Ayon sa ahensya, mananatiling sarado ang nasabing tanggapan para sa isasagawa pang disinfection at sanitation hanggang July 30.

Tuloy din ang pagsailalim sa rapid test ng mga empleyado ng BI.

“All subport offices, with minimal skeletal deployment essential to effectively and efficiently carry our their respective offices’ daily operations, may accommodate your urgent transactions,” dagdag ng ahensya.

Magbabalik naman sa normal ang operasyon sa BI Intramuros office sa Lunes, August 3.

Matatandaang iniulat ng BI na tatlong empleyado sa kanilang hanay ang nagpositibo sa COVID-19.

Read more...