17 pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Western Visayas

Nagpositibo ang 17 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang July 28, umakyat na sa 1,158 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

513 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Ang mga bagong kaso ay locally stranded individuals at repatriated overseas Filipino workers.

Nakasailalim ang karamihan sa mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility habang apat ang naka-confine sa pagamutan.

Nasa 629 pa rin ang total recoveries sa Western Visayas.

Nananatili pa rin sa 16 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...