Mga batikos kay Pangulong Duterte ukol sa COVID-19 response ng pamahalaan, ipinagtanggol ni Rep. Abante

Nakahanap ng kakampi si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa lider ng minorya sa Kamara matapos umani ng batikos kaugnay sa hindi malinaw na COVID-19 recovery plan ng pamahalaan.

Sa kanyang Kontra-SONA, ipinagtanggol ni House Minority Leader Benny Abante ang pangulo sa pagsasabing mahigit 10 ulit na binanggit nito ang COVID-19 crisis sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Malinaw aniya rito na nasa isip ng Pangulo, gayundin ng mga miyembro ng kanyang Gabinete ang krisis na pinagdaraanan ng bansa at kung paano ito masolusyunan.

Gayunman, aminado si Abante na marami pang kailangan gawin ang pamahalaan hinggil sa paglaban kontra COVID-19.

Pinuna naman nito ang pangulo dahil hindi nito binanggit ang malinaw komprehensibong plano upang malabanan ang COVID-19.

Sabi ni Abante, patuloy na dumarami ang bilang ng locally stranded individuals (LSIs).

Maganda man aniya ang hangarin ng Balik Probinsya Program pero kung hindi maayos ang plano at trabaho ng gobyerno ay sa halip na makatulong au baka mas makasama pa para sa LSIs.

Sa dami kasi aniya ng quarantine facilities, wala pa sa 50 percent ang puno sa ngayon.

Sa kasalukuyan, maraming bilang ng LSIs ang pinapunta at itinambak ng pamahalaan sa Rizal Stadium habang naghihintay ng kanilang biyahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Dahil dito, hindi nasusunod ang physical distancing, na siyang pinangangambahang magdulot nang transmission ng COVID-19.

Read more...