Layon ng panukala na mapalakas ang kapasidad ng mga government financial institutions (GFIs), partikular na ang Philippine Guarantee Corporation (PGC), Land Bank of the Philippines (LBP), at Development Bank of the Philippines (DBP).
Dahil dito, makapagbigay ang PGC, LBP at DBP ng tulong pinansyal sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) at iba pang kompanya sa pamamagitan ng loan assistance programs, rediscounting at iba pang credit accommodation facilities.
Sa ilalim ng panukala, binibigyan din ng kapangyarihan ng panukalang ito ang LBP at DBP na magtatag ng isang special holding company.
Ayon sa pangunahing may-akda ng panukala na si Quirino Rep. Junie Cua, magsisilbing “major player” ang special holding company pagdating sa financial at capital markets sapagkat ito ang magbibigay ng ayuda sa mga itinuturing na “strategically important companies” na sa ngayon ay may liquidity issues bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ang special holding company na ito ay papayagan na i-invest o ilagay ang pondong hawak sa equity, magpatupad ng convertible loans o bumili ng convertible bonds at iba pang securities.
Sa ilalim ng panukala, P5 billion ang ilalaan para sa PGC bilang karagdagang kapital at P50 billion sa LBP at DBP.