Nasa apat pang panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, kabilang dito ang isang security staff, dalawang house keeping staff at ang driver ni Deputy Speaker Johhny Pimental.
Isinailalaim aniya sa RT-PCR test noong Linggo ang security staff at kaagad nag isolate bilang bahagi ng SONA protocol.
Lumabas na positibo sa COVID-19 ang security staff noong Lunes ng umaga.
Positibo rin sa kinatatakutang sakit ang dalawang house keeping staff at ang driver ni Deputy Speaker Pimentel na nauna ng kinumpirma na nagpositibo sa COVID-19.
Sabi ni Montales, ang mga ito ay dumaan sa kaparehong protocol.
Sa ngayon aniya ay nagsasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.
Dahil dito, umakyat na sa 27 ang bilang ng COVID-19 cases sa Mababang Kapulungan.