Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina 713 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Martes, July 28) pumalo na sa 713 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 323 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 37.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 353 na.

Read more...