Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Martes ng hapon (July 28), umabot na sa 83,673 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 55,109 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,678 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nakuha ang mga datos mula sa 81 out of 91 licensed laboratories.
Nasa apat ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 1,947 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 183 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 26,617 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.