LOOK: LSIs mula Maynila naiuwi na sa Bohol

Dumating na sa Tagbilaran Port, Bohol ang BRP Malapascua (MRRV-4403) na may lulan na mga locally stranded individual (LSI) mula sa Maynila ngayong umaga ng Martes, July 28.

Nagpatupad ng disembarkation at health protocol ang mga tauhan ng Philippines Coast Guard sa mga LSI bago sila iturn-over sa kani-kanilang LGU para sa karagdagang assistance.

Inaasahan rin ang pagdating ng BRP Cabra (MRRV-4409) ngayong umaga, habang mamayang gabi naman ang nakatakdang pagdaong ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) sa Tagbilaran Port.

Samantala, Martes ng madaling araw nang umalis naman sa Cunanan Wharf, Port Area, Maynila ang BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001) sakay ang 65 na LSI na ihahatid rin sa Tagbilaran, Bohol.

Darating ito lalawigan bukas, ika-29 ng Hulyo 2020.

Ang pagbiyahe ng mga barkong ito na pinapatakbo ng Philippine Coast Guard (PCG) ay pakikiisa sa malawakang “Hatid Tulong Program” ng pamahalaan para masiguro ang ligtas na pag-uwi ng ating mga kababayan sa kasagsagan ng pandemiya.

Maliban sa libreng biyahe, sagot rin ng pamahalaan ang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga LSI sa kahabaan ng biyahe sa karagatan.

 

Read more...