Natuklasan ng Task Force na ang mga umuwing LSIs sa pagitan ng July 20 hanggang 26 ay dumaan sa ibang paliparan o ‘di kaya ay nag-by land upang makaligtas sa pagsasailalim sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR).
Ayon kay Task Force Davao Commander, Colonel Consolito Yecla, ang 16 sa mga naharang ay dumaan sa Laguidingan Airport sa Cagayan de Oro City para makapasok ng Davao City habang ang 100 ay bumiyahe by land.
Karamihan sa kanila ay dumating mula Biyernes hanggang Linggo.
Sinabi ni Yecla na 52 sa LSIs ay pawang residente ng Davao City habang ang 64 ay dumaan lang ng Davao City at residente sa ibang lalawigan.
Nilinaw naman ni Yecla na pinigilan lang pansamantala ang mga LSI at hindi naman inaresto.
Base sa utos ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte, lahat ng LSIs na pumapasok sa lungsod gamit ang Davao International Airport (DIA) ay dapat magpakita ng negative RT PCR .
Kailangang mayroon silang negatibong resulta bago sila makauwi sa kanilang mga tahanan.