Pamamahagi ng libreng mosquito trap, dapat pondohan ng gobyerno-Tolentino

Mosquito TrapDapat mismong ang national government na ang maglaan ng pondo para sa nationwide distribution ng mga “ovicidal larvicidal” (OL) mosquito traps.

Ayon kay senatorial candidate at dating MMDA Chairman Francis Tolentino, sa mga pampublikong paaralan dapat simulant ng gobyerno ang pamamahagi ng libreng OL traps para maiwasan ang pagdami ng mga lamok na maaring magdulot ng sakit na dengue at Zika virus.

Maliban sa mga pampublikong paaralan, sinabi ni Tolentino na ang mga pribadong eskwelahan ay dapat mayroon ding sariling programa para maiwasan ang pagkakasakit ng kanilang mga mag-aaral.

Dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Zika sa ibang mga bansa, sinabi ni Tolentino na dapat ding magbigay ng technical assistance at mga information materials kabilang na ang pagsasagawa ng training at orientation ang Department of Health sa lahat ng barangay health centers at rural health clinics sa bansa.

Ito ay para sa barangay level pa lamang aniya ay maging handa sa pag-handle ng nasabing sakit sa sandaling makapagtala ng kaso dito sa Pilipinas.

“Our communities can help keep out the Zika virus and complement the national government’s efforts by not allowing mosquitoes to breed on our surroundings. Let us make our surroundings clean and free of stagnant waters that are the favorite breeding sites of mosquitoes,” ayon kay Tolentino.

Read more...