Siruma, Camarines Sur niyanig magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers southeast ng bayan ng Siruma, alas-6:16 umaga ng Martes (July 28).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...