Malakas na magnitude 6.3 na lindol tumama sa Tibet Region

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Tibet Region ng China.

Ayon sa US Geological Survey naitala ang pagyanig sa 600 kilometers northeast ng Llasa na may lalim na 10 kilometers lamang.

Naganap ang pagyanig alas 4:07 ng madaling araw ngayong Martes (July 28) oras sa Pilipinas.

Sinabi ng USGS na naramdaman din ang lindol sa iba pang bahagi ng China at sa Nepal.

Wala pa namang napaulat na pinsala bunsod ng naturang pagyanig.

 

 

Read more...