Ayon sa Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH EV CHD), umabot na sa 822 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Ang mga bagong kaso ay locally stranded individuals o LSIs.
Sa lumabas na 44 laboratory results mula sa EVRCTC, 39 ang negatibo habang lima ang positibo.
Sa 180 laboratory results naman mula sa DWHVL, 163 ang negatibo habang 17 ang positibo kung saan 10 ang bagong kaso at pito ang re-swab result.
Sinabi rin ng DOH-EV na 650 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Patuloy pa rin ang paalala ng DOH EV CHD na sumunod sa health protocols paea makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES