Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang July 27, umakyat na sa 1,141 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
496 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Karamihan sa mga bagong kaso ay locally stranded individuals.
Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
19 naman ang bagong gumaling sa Western Visayas.
Dahil dito, umakyat na sa 629 ang total recoveries sa Western Visayas.
Nananatili pa rin sa 16 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES