Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (July 27, 3:00 PM) nakapagtala ng 130 na bagong kaso kaya pumalo na sa 5,909 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,182
Laguna – 2,160
Batangas – 863
Rizal – 1,416
Quezon – 288
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 3,161.
Nasa 2,459 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 486 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 979
Batangas – 378
Rizal – 573
Quezon – 196
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan nang siyam kaya umabot na sa 289 ng bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 54
Laguna – 72
Batangas – 43
Rizal – 105
Quezon – 15
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay