Patuloy na bumababa ang bilang ng mga tao sa bansang Japan.
Sa resulta ng 2015 census ng Japan, nabawasan ng 947,000 ang bilang ng kanilang populasyon mula noong taong 2010.
Tuwing limang taon kung magsagawa ng census ang Japan.
Sa datos, nasa 127.1 million na lamang ngayon ang populasyon ng Japan na masbaba ng 0.7 percent kumpara sa halos 128.1 million noong 2010.
Nangangamba ang pamahalaan ng Japan sa patuloy na pagliit ng populasyon na maaring magtuloy-tuloy hanggang sa susunod na mga taon.
Nananatiling ang Tokyo ang may pinakamaraming populasyon na 13.5 million at tanging ito ang lugar sa Japan na nakapagtala ng pagtaas ng bilang ng mga tao mula 2010.
MOST READ
LATEST STORIES