DOH, nangakong mabibigyan ng hustisya ang pagpatay sa NCMH chief at driver nito

Nagpahayag ng pagkabigla ang Department of Health (DOH) sa pamamaslang kay National Center for Mental Health Medical Chief Dr. Roland Cortez at driver nito na si Ernesto Dela Cruz.

Pinagbabaril ang dalawa ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa loob ng sasakyan habang naka-park sa bahagi ng Cassanova Drive at Tandang Sora Avenue sa Quezon City, Lunes ng umaga (July 27).

Sa inilabas na pahayag, nagparating ng pakikiramay ang kagawaran sa mga naulilang pamilya ng dalawang biktima.

Nangako rin ang DOH na mabibigyan ng hustisya ang pag-ambush sa dalawa.

“The DOH family extends its deepest condolences to the families of Dr. Roland and Mr. Ernesto, and vows to pursue justice for their untimely deaths,” ayon sa DOH.

“Dr. Cortez was a respected leader who sought to treat clients with utmost dignity,” dagdag pa nito.

Tiniyak din ng DOH na nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad at PNP-CIDU para mahuli ang mga responsable sa krimen.

“The DOH denounces all violent acts committed against healthcare workers, especially during these difficult times,” sinabi pa ng DOH.

Read more...