BREAKING: Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 82,040 na

Nadagdagan pa nang mahigit 1,600 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Lunes ng hapon (July 27), umabot na sa 82,040 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 53,649 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,657 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 16 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,945 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 359 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 26,446 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...