Mga lalawigan sa Southern at Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Uulanin ang ilang lalawigan na kalapit ng Metro Manila.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 12:20 ng hapon, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang sumusunod na lalawigan:

• Cavite
• Laguna
• Quezon
• Bataan

Samantala, inuulan na rin ang Candelaria, Zambales at ang Nasugbu, Batangas.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Ang malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maari ding magdulot ng landslide sa bulubunduking lugar.

 

Read more...