Global death toll sa COVID-19 mahigit 652,000 na

Sumampa na sa mahigit 652,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 652,039 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 149,849.

Sumampa naman na sa mahigit 87,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 87,052
UK – 45,752
Mexico – 43,680
Italy – 35,107
India – 32,812
France – 30,192
Spain – 28,432
Peru – 18,030
Iran – 15,700

Sumampa naman na sa mahigit 10 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 5.7 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

Read more...