Sinasabing pag-itsapwera kay Rep. Lord Allan Velasco upang dumalo sa SONA mamaya napigilan

Napigilan ang bali-balitang pag-itsapwera sa ika-limang State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Batasang Pambansa.

Ayon sa source hindi isinama ang speaker-in-waiting sa unang listahan ng mga konggresistang naimbintahang dumalo sa Mababang Kapulungan.

Pero sa inilabas na listahan ng House of Representatives kabilang na si Velasco sa 30 miyembro ng Kamara na pinangungunahan ni Speaker Alan Peter Cayetano, na dadalo sa mismong SONA ng Pangulo sa Mababang Kapulungan habang ang ibang kongresista naman ay via Zoom lamang bilang bahagi ng matinding pag-iingat sa dahil sa COVID-19.

Unang napabalita na sadyang hindi isinama sa inaprubahang official list ni Cayetano ang pangalan ni Velasco na unang isinumite ng Kongreso sa Malacanang para sa security protocol.

Hindi naman ito nagustuhan ng ibang mga kongresista dahil si Velasco ang napipintong papalit na House Speaker pagdating ng Oktubre
Dagdag naman ng mga kongresistang malapit kay Davao City Rep. Paolo Duterte, itinulak din ng presidential son na baguhin ang official list at isama ang pangalan ni Velasco sa mga piling kongresista na dadalo sa SONA, kaya’t napilitan ang liderato ng Kamara ang “last-minute change” sa listahan.

 

 

Read more...