Liquor ban muling ipinatupad sa Baguio City

Muling nagpatupad ng liquor ban sa Baguio City.

Iniutos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang muling pagpapatupad ng liquor ban sa lungsod.

Ito ay makaraang makarating kay Magalong ang mga ulat na pag-iinuman sa mga construction site.

Mayroon pang isang grupo ang nag-Facebook live ng kanilang inuman.

Ayon kay Magalong mahaharap sa karampatang parusa ang sinumang lalabag sa liquor ban.

 

 

Read more...