‘No-Fly Zone’ ipatutupad ng CAAP sa perimeter ng Batasang Pambansa

Bilang paghahanda sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte nagpalabas ng Notice to Airman (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa perimeter ng Batasang Pambansa.

Ayon sa CAAP base ito sa kahilingan ng Presidential Security Group (PSG), bilang pagtiyak ng seguridad para sa ika-limang SONA ng pangulo.

Ipatutupad ang “No-Fly Zone” para sa lahat ng uri ng aircrafts, kabilang ang unmanned aerial vehicles o drone sa loob ng two nautical miles radius ng House of Representatives sa Batasan Complex.

Iiral ang ‘no fly zone’ mula alas 2:00 ng hapon hanggang alas 9:00 ng gabi.

 

 

Read more...