Halos 2,000 pang indibidwal nananatili sa Rizal Memorial Complex para sa ‘Hatid Tulong’ ng gobyerno

Aabot pa sa halos 2,000 katao ang nananatili sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Sila ay pawang naghihintay na makauwi sa mga lalawigan para sa ‘Hatid Tulong’ program ng gobyerno.

Kahapon, araw ng Linggo (July 27) marami sa mga locally stranded individuals ang naihatid na sa mga lalawigan.

Nabatikos ng husto ang naturang programa matapos dumagsa ang mga nais umuwi ng lalawigan at dikit-dikit nang namalagi sa Rizal Memorial Stadium.

Paliwanag ni Joseph Encabo, lead convenor ng Hatid Tulong, karamihan sa mga LSI na nagtungo sa Rizal Memorial Sports Complex ay pawang were “walk-ins”.

Dahil sa biglang pagdami ng tao, ang iba sa kanila ay inilipat na muna sa ibang stadium ayon kay Encabo.

 

 

Read more...