Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 204 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 15,404 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 7,458 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 749 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 162 dahilan para umabot na sa 7,197 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 8,739 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,992
Mandaue City – 1,785
Lapu-Lapu City – 1,709
Negros Oriental – 99
Bohol – 80
Siquijor – 0