Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.32 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (July 27) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.79 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 99.56 meters ngayong umaga mababa sa antas nito kahapon na 99.65 habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay bahagyang nadagdagan na nasa 77.97 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 77.83 meters.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams habang nadagdagan ang tubig sa Ambuklao, Binga at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.