Kasambahay na sangkot sa pagpatay sa 2 amo, arestado sa Angeles City

Photo from securitymatters.com.ph
Photo from securitymatters.com.ph

Naaresto ng mga tauhan ng Angeles City police ang kasambahay na sangkot sa kasong pagpatay sa isang Filipino-Canadian at isang Slovenian noon pang taong 2009.

Si Criselda Dayag, 50-anyos ay nadakip sa Barangay Anunas, sa bisa ng dalawang warrants of arrest.

Ayon kay Sr. Supt. Sydney Villaflor, Angeles City Police Chief, simula nang magtago pitong taon na ang nakaraan, ilang ulit napaulat na si Dayag ay nakikita sa Cebu at Cagayan Valley.

At kahapon may impormasyon na natanggap ang Angeles City police na namataan sa nasabing barangay si Dayag.

Noong September 1, 2009, ang Filipino-Canadian na si Alexis Tioseco at Slovenian na si Nika Bohinc ay binaril sa loob ng kanilang bahay sa Times Street sa Quezon City.

Tatlong armadong kalalakihan ang pumasok sa bahay ng mga biktima at tinangay ang kanilang mga gamit at saka sila binaril.

Si Dayag ay bago pa lamang naninilbihan noon bilang kasambahay kina Tioseco at Bohinc ay kasabwat ng mga nanloob.

 

Read more...