“Full military control” sa South China Sea target ng China-US Admiral

ImageSat International Photo
ImageSat International Photo

Malinaw na gusto ng China ang buong pagkontrol sa South China Sea kasunod ng mga aktibidad nito sa mga pinag-aagawang isla.

Ayon kay US Admiral Harry Harris sa ginagawang pagtatayo ng air bases at paglalagay ng military facilities ng China sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea, nais nitong magkaroon ng full control sa lugar.

Sinabi ni Harris na ang mga aksyon ng China sa mga teritoryo na patuloy na pinag-aagawan ng iba’t ibang bansa sa Asya ay pagpapakita ng determinasyon nito na magkaroon ng military primacy sa rehiyon.

Kung maipagpapatuloy aniya ng China ang pag-reclaim sa South China Sea, sinabi ni Harris na babaguhin nito ang operational landscape sa rehiyon. “Short of war with the United States, China will exercise de facto control of the South China Sea,” Ani Harris.

Una nang sinabi ni US Defense Sec. Ashton Carter na ang ginagawa ng China ay tila paghihikayat sa iba pang claimant countries na gumawa ng aksyon.

Sa ngayon sinabi ni Carter na maliban sa pagpapalakas sa kanilang military defense at nakikipag-alyansa na aniya sa US ang iba pang claimant countries.

Partikular na tinukoy ni Carter ang mga dati nang kaalyado na Japan, South Korea, Australia at Pilipinas, habang kamakailan ay nakipag-alyansa na rin ang Vietnam at India.

Read more...