Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 950

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Sabado, July 26) , nadagdagan ng 36 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 950.

Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na ito sa 127.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 1,835 kung saan nakapagtala ng 67 bagong kaso.

 

 

 

Read more...