Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina 688 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Linggo, July 26) pumalo na sa 688 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 310 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 35.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 343 na.

 

 

 

Read more...