Dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ipatutupad ngayong linggo

May panibagong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Nasa 30 hanggang 40 centavos ang posibleng dagdag sa presyo ng diesel, 20 hanggang 30 centavos ang dagdag sa presyo ng kerosene habang posibleng walang paggalaw naman sa presyo ng gasolina.

Ang dagdag presyo ay bunsod ng pagtaas ng halaga ng ethanol component ng gasolina sa Pilipinas.

Ngayong araw inaasahang iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng kanilang dagdag presyo na magiging epektibo bukas.

 

 

 

Read more...