Looc, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 15 kilometers southeast ng bayan ng Looc, alas-4:39 madaling araw ng Lunes (July 27).

May lalim na 8 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Calatagan, Batangas.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

Read more...