Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 26, umakyat na sa 9,275 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 70 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,212 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,410 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, nanatili muli sa 653 ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,632 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,090 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 705 naman ang kaso sa Americas at 847 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.