BREAKING: Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 80,000

Nadagdagan pa nang mahigit 2,100 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Linggo ng hapon (July 26), umabot na sa 80,448 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 52,406 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,110 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 39 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,932 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 382 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 26,110 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...